Si Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Academy isang private institution at magfifirst year college na siya. Paano nalang kung isang araw ay malalaman niya ang katotohanan na hindi pala siya kabilang sa mundong kinagagalawan niya at kakaiba siya? Ano na ang mangyayari sa kanya? Anong mararamdaman niya? Matatanggap kaya niya ang mundo ng mahika?