“Ako si Nica Cassidy na best friend ng Campus Hartthrob na si Keegan O’Kiffe.
Ngayon palang, bibigyan na kita ng warning na: SAKIT SA ULO ang playboy kong best friend pero mabait.
Hirap sa mga guwapo eh, masyadong bilib sa sarili kaya lahat ng lahi ni Eba pinapatos samantalang ‘yong kailangan niyang babae sa buhay niya… nasa tabi-tabi lang.
Katulad ko… :)
Pero,
Hindi niya alam ‘yon :( para sa kanya, nakakabatang kapatid na babae lang ako… Ang lungkot di ‘ba?
Ang masaklap pa, may mahal na mahal siyang babae… at hindi ako ‘yon.
Pero ulit...
May isang lalaki din sa tabi-tabi na posibleng magpatibok ng puso ko at mahalin rin ako :)”