Pag-ibig ang magiging pinakamatinding kahinaan ng mga kagaya natin. Yun ang paniniwalang itinanim sa utak ko ng Amang kinagisnan ko at sa loob ng isang sentenaryo ay nagawa kong makasurvive dahil sa paniniwalang iyon. Walang lugar ang kahit na anong emosyon sa puso ko kung meron man ako. Pero bakit ng makita ko siya ay may nag-iba. Ginusto kong makilala siya dahil inakala kong isa lamang kuryosidad ang mayroon ako para sakanya. Ngunit nagising na lang ako isang araw na hindi na lang ako lumalaban para sa kapangyarihan at para patuloy na mabuhay. Lumalaban na ako para maprotektahan siya. Isinisigaw ng utak ko na siya ang kahinaan ko pero iginiit ng puso ko hindi siya kahinaan kundi pagkakataon. Isang pagkakataon para magsimula ulit. Isang pagkakataon para maisalba ako sa mismong sarili ko. I am Peter Jackstone and this is my story of redemption. © msshanevrb for the coverAll Rights Reserved