Daniel Padilla.
Para siyang buwan na mahirap abutin at hanggang pangarap ka na lang. Iyon ang isa sa pinakamasaklap na katotohanan para sa mga taga-hanga niya.
Buti na lang... hindi kabilang si Chelsea doon.
Akala niya, kahit na sobrang layo ng lugar nila sa mataong Metro Manila, makakatakas na siya rito.
Ang kaso, ito na mismo ang lumapit sa kanya. Gagawin daw nitong pahingahan sa showbiz ang lugar nila. Mas lalo siyang nainis nang malaman ito. Doon siya lumaki, at halos doon na rin ang nagung buhay niya tapos ito, gagawing pahingahan lang?
Kaya naman gagawa siya ng paraan para hindi magtagpo ang landas nila.
Hindi naman mahirap iyon, eh. Dahil simula't sapul, malayo ang agawat nila.
Parang magkabilang mundo,
taas o baba,
sa pula o sa puti,
apoy at tubig,
araw at gabi.
Kaya ano ngayon kung walang tayo? Ang mayroon lang naman ay Ikaw at Ako.