Cool. Sobrang tahimik. Napakagaling sa basketball.
Tatlong salita na kapag nabanggit sa iisang pangungusap, si Louis Williams Yoon ang agad na papasok sa iyong isipan.
Sikat na sikat man siya sa buong paaralan nila, hindi ka makaririnig nang kahit na ano mula kay Liam. Tahimik lang siya na maglalakad sa hallways o kaya naman ay sa sulok ng classroom lang nakaupo. Masaya na siya sa setup na iyon ng buhay niya.
Mababago ang kinagawian niyang iyon, pati na rin ng mga tao sa paligid niya, nang biglang may dumating na babae. Isang babaing ubod ng tahimik, mas tahimik pa kaysa kay Liam.
Ang nakakapagtaka nga lang, kung gaano katahimik si Liam noon ay siya namang pagiging magulo niya, maingay, sobrang ingay. Tila ba nawala sa kanya ang kontrol ng bola sa court.
Masasabi pa kaya ni Liam ang tunay na nararamdaman niya? Malalaman na ba niya ang katotohanang nagpabago sa takbo ng buhay niya noon? Magkakaroon na ba sila ng lakas ng loob na magtapat ng nilalaman ng kanilang isip?
Last two minutes. Wala sa akin ang bola. Nang biglang ...
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.