Si Ada ay isang inosenteng babae na walang ibang ginawa kundi ang mangarap. Kailanman may ay hindi niya nagawang kwestyunin ang kanilang katayuan at ang kanyang pinagmulan. Siya ay kuntento na sa kung ano ang mayroon siya at kung ano ang nalalaman sa kanyang pagkatao. Ang nais lamang niya ay maabot ang mga pangarap at maging maayos ang pamilyang mayroon siya. Ang mga Cervado. Ang pamilyang nananatiling hiwaga sa kanya at ang humuhukay sa kanyang kyuryosidad. Paano kung mapasok niya ang mundo na malayo sa kanyang kinalakihan? Paano kung malaman niyang malaki pala ang bahagi ng mga ito sa kanyang pagkatao? Paano niya haharapin at pakikisamahan ang taong minsan niyang hinangaan ngunit walang ibang nararamdaman kundi galit sa kanya? Makakayanan niya ba?All Rights Reserved
1 part