"Ano'ng kaya mong gawin para sa pag-ibig?" Sabi ng may crush, "Susundan ko siya, susundan ko siya hanggang sa mapansin niya ako." Sabi ng may idol, "Susuportahan ko siya sa lahat ng gagawin niya." Sabi ng ina sa anak, "Lahat gagawin ko para lang mapabuti ang kalagayan niya." Sabi ng umiibig, "Pahahalagahan ko yung tiwala niya." Sabi ng sundalo sa bayan, "Ipagtatanggol ko ang inangbayan nang buong puso." Sabi ng amo sa alaga, "Aalagaan ko at mamahalin ko ang aking alaga." Sabi ng kaibigan sa kaibigan, "Pananatilihin ko ang pag-uugnayan naming magkaibigan." Sabi ng bunso sa ate, "Susundin ko lahat ng utos niya! Hahaha." Sabi ng Diyos sa kanyang mga anak, "Kaya kong isakripisyo ang aking sarili para sa inyong lahat. Patatawarin ko kayo sa lahat ng inyong kasalanan. Hinding hindi ko kayo pababayaan." Ikaw, anong kaya mong gawin para sa pag-ibig?