Darating talaga yung araw na mapapagod ka. Mapapagod kang intindihin siya. Mapapagod kang ipaglaban siya. Mapapagod kang iparamdam sakanya na mahalaga siya. Mapapagod kang mahalin siya. Pero minsan kahit pagod na pagod ka na, itatanong mo pa rin sa sarili mo kung tama ba. Tama ba na napapagod ka? Tama ba na napapagod kang mahalin at intindihin ang taong mahal mo? Hanggang sa maisip mo na tao ka lang. Napapagod at di sa lahat ng panahon makakaya mo. Isa lang naman ang tamang itanong sa sarili mo pag napapagod ka na. "Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo?"