"why me?" she asked. "Why not?" he replied. "alam mo walang patutunguhan ang usapang ito." Napatayo na siya sa kanyang inuupuan nang hawakan siya nito sa kamay na hinila rin niya agad dahil sa mala-kuryenteng hatid ng pagdidikit ng kanilang balat. That's weird. "please maupo ka." Pakiusap nito na sumeryoso pa. Naupo naman siya at humalukipkip pa. "bakit kailangang tanungin mo kung bakit ikaw ang nagustuhan ko? 'yan ang pinaka mahirap na tanong at napakahirap sagutin. i don't know the reason or maybe because its you." "huwag na tayong maglokohan. Sa mundong ginagalawan mo madaming babae ang higit na mas lamang sa akin. Rich and beautiful and I bet they are much willing na pakasalan ka." "bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Okay tama ka naman, madami nga sila pero ang problema hindi sila ikaw." "look, nagiging realistic lang ako, at dapat ganoon ka din. Iba ang mundo ko iba ang sa iyo." Medyo gumaan na ang pakiramdam ni Eugene. "pareho lang tayong nasa Earth." Pilosopo! Inirapan niya ito. "nagiging realistic lang ako." panggagaya pa nito sa linya niya!
Più dettagli