Ako si Clarisse Datingginoo. Isang estudyante sa paaralang hindi ko nalang papangalanan dahil hindi naman yun importante sa kwento ko. Ako ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo at nag-aaral ng mabuti. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nagkakanobyo. Hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman talaga ako kagandahan ngunit hindi rin naman ako kapangitan. Iyung sakto lang. (Hindi matatawag na dyosa ng kagandahan pero hindi mo rin naman msasabihang chaka. Cute naman ako at charming. May beautiful eyes at cute smile.) Akala ko talaga hindi ko na mararanasan ang tinawag nilang pag-ibig hangang sa may dumating na dalawang lalaki sa buhay ko...