The Curse That He Breaks (COMPLETED)
10 parts Complete Isang ekstraordinaryong binata si Celie na hinamon ng mapanghusgang realidad dahil sa kakaibang balat na taglay niya. Sa kabila nito, lumaki siya na may mabuting puso at may respeto sa kapwa. Nakilala niya ang isang lalaki na nagpakita sa kanya ng tunay na depinisyon ng pagkakaibigan. Magkasama nilang natagpuan ang kasiyahan sa pagkakaroon ng taong tunay na nakakaintindi at tanggap sila. Ngunit ang tadhana ay mailap at mapaglaro; nawalay ang landas ng magkaibigan at sa paglipas ng mga panahon, patuloy pa din silang umaasa, naghihintay at hinahanap ang isa't isa.
Sa kanilang paghahanap ng nawawalang pagkakaibigan, paano kung sa hindi maipaliwanag na dahilan at pagkakataon ay muling ipagtagpo sila ng tadhana? Muli kaya nilang matatagpuan ang isa't isa kung pilit silang pinaglalayo? Mananaig kaya ang nakaraan, o patuloy silang hindi pagsasamahin ng hinaharap?