Maayos na sana ang pagri-review ng 19 year old na si Diana, pero biglang may nag-text sa kanya, ang kanyang favorite and greatest distraction na si Ruvick. Binasa niya ang message ng kanyang guwapo at matangkad na nobyo na isang Nursing student. "UUUy! Maganda pa rin pala ang sweetheart ko kahit nakayuko at seryosong nag-aaral sa may bench ng campus." Ang mamula-mula niyang labi ay lumawak sa pagngiti habang mabilis na iginagala ang tingin pakaliwa't-kanan upang makita kung saan nagtatago ang nobyo niyang dark brown at brush-up ang buhok. "Naku, siguro hinihintay niya akong sumulpot bigla upang yakapin siya!" With a smiley face pa nga ang text na kasunod. Mas lalong kinilig si Diana. "Sige nga, subukan mo lang!" tahimik niyang isip habang natataranta ang kanyang puso. Just imagining being locked in her beloved's strong embrace made her heartbeat go wild. Pero hindi rin nagtagal ang kanyang mga ngiti dahil sa pagbagabag ng kanyang puso. "Ruvick, mamahalin mo pa rin kaya ako kapag nalaman mong ang isa sa parte ng aking katawan na iyong kinahuhumalingan ay hindi totoo?"