Let Go? Yan ang pinaka masakit na sitwasyong pwede mong gawin. Kadalasan hindi mo ito ginusto,pero ito ang kailangan. Masakit man,pero kailangan mo na siyang i let go kase mas magdudulot lang ito ng matinding sakit na nararamdaman. "Ayoko! Ipaglalaban ko siya." sigaw ng puso mo,pero sabi ng utak mo "Tama na,tapos na. Wala na kayo." Mahal niyo ang isa't- isa pero mayroon talagang mga bagay na kailangang unahin bago ang pagmamahal. Pag-paparaya ang natatanging solusyon.