LAB'IRASYON (at ang eksad'yerasyon ng labis-labis na demokrasya)
  • Reads 1,161
  • Votes 4
  • Parts 1
  • Reads 1,161
  • Votes 4
  • Parts 1
Ongoing, First published Aug 06, 2013
PAUNA:
Isa? O ‘sang celebrity teen ager ang kagulat-gulat na nabuntis at hindi malaman kung sino ang ama, pero hindi ito ang tanong;  ang tanong ay kung nag-iisa lang ba talaga ang kasong gan’to?	Isa? O ‘sang daang kabataang babae ang nasangkot sa cyber sex at na-raid pa nang minsang katalik ng mga ‘Merkano sa mga lihim na silidan.  Isang 3rd year student ang naglaslas at nauwi sa pagpapakamatay e anong dahilan? Papasikat daw sa Facebook at para makahakot ng maraming likes. 
Isang 5 years old ang nakahalungkat sa cabinet ng kanyang ama ng baril at binaril ang kanyang inang hindi na umabot sa ospital. Isang bata, nanaksak ng kap’wa bata. Hindi isa kun’di maraming kaso na napagkamalang demonyo ng isang bata ang kanyang mga kaanak at sukat ba namang pagtangkaang patayin ang dahilan – naadik sa droga. Nawala sa katinuan. Nawala sa realidad. Nawala sa sarili. Nawala, nawala, nawala. Nawala na nga raw ang pag-asa ng bayan.
Bata pa ito ha? 
Bata pa.
Bata.
Meron minsan nagsasabi: magiging worst pa ang darating na kinabukasan dahil palala na ng palala ang mga henerasyon. E sino pa nga ba raw aasahan?
 	Sabi niya “Ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan”. . .
. . .Sagot nila. Sagot ko, we ‘di nga?
All Rights Reserved
Sign up to add LAB'IRASYON (at ang eksad'yerasyon ng labis-labis na demokrasya) to your library and receive updates
or
Content Guidelines