For those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa lahat ng mga estudyante sa mundong ibabaw. Syempre hindi lang basta magbabasa ka. Habang tumatawa ka dahil sa binabasa mo ito, you will also know how to deal with students with obnoxious personality, with your profs/teachers, how to pass all the subjects through hard work or cheating, and the results of these, kung ano maidudulot ng pag-awra, kung paano mapipigilan ang utot, kung paano makakatipid ng pera bilang estudyante na nagmumukhang mas pulubi pa sa mga namamalimos na kunyari'y wala daw maibigay sa mga namamalimos at kung paano magkaroon ng magandang relasyon sa kaibigan, magulang at sa bf/gf and of course sa Panginoon habang nag-aaral.