May mga tao talaga na sadyang magaling lumaban sa sakit. Imbis na magpalugmok dito, ginagawa pa itong tulay tungo sa pagkamit ng mga pangarap. Si Austin ay isa sa mga taong maari nating ipabilang doon. Sawi man siya sa pag-ibig, hindi ito dahilan para isarado niya ang puso para sa ibang taong naghihintay sa kanya. Nadurog man ang kanyang puso at na troma man ang kanyang pag-iisip, hindi ito naging hadlang para maging isa syang napaka successful na tao. Muli syang nagmahal, subalit muling nagbalik ang nakaraan. Ang nakakaiba nito, si Austin ay isang bakla na naging bisexual, sa pagiging bisexual nya, nakatagpo siya nang babaeng katulad nya, walang wala pang karanasan sa pag-ibig. Subalit bigla siyang naagawan. Sa pagdaan ng panahon muli syang nakatagpo ng magmamahal pero kapwa bisexual na. Ngunit sa panahon na masaya na siya ay may nakaraan na muling nagbabalik. Paano kaya mag dedesisyon ang taong hindi alam kung sino ang tibok ng dibdib at may magulong sigaw ng isip?