Satoaki Maeda, the happy-go-lucky in the team. Hindi siya naniniwala sa 'love' dahil tingin niya ay isa lang iyong malaking kalokohan. On the other hand, Yuri Takashi--- vowed that no matter what happen she is going to be Satoaki's wife by hook or by crook. Malas niya lang dahil kahit anong pagpapansin ang gawin niya sa binata ay tila wala naman yatang epekto. Sabay silang lumaki kaya malapit sila sa isa't-isa. Malaki ang impluwensya ni Satoaki sa dalaga kung bakit rin ito nahihilig sa motocross. This time, gusto ni Yuri na maging miyembro ng Dirt Riders Club. Pero mukhang mahihirapan siyang makapasok sa team, unless otherwise maging asawa niya si Satoaki. Inalok niya itong magpakasal sa kanya. Kaso nga lang hindi pumayag ang binata sa alok niya. Satoaki will never agree with idea of getting married. Love is absurd! Pero paano kung huli na kapag nalaman niyang ang babaeng para sa kanya ay nasa harapan niya lang pala?