Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan. Hanggang sa isang araw, nahulog ang loob ni Annie kay Francis. 3 taong pagsuyo at panliligaw ang ginawa ni francis mapa sa kanya lang si Annie. Huling taon na nila sa kolehiyo, ng biglang nagbago ang ihip ng hangin. May nangyaring maganda para kay Francis pero kabaliktaran naman kay Annie dahilan para layuan niya si Francis. Paglipas ng limang taon, muling pagtatagpuin sina Annie at Francis pero hindi pa handa si Annie na makita siya. Mapapatawad niya kaya si Francis? o tuluyan ng mananaig ang galit at pait sa puso niya? Paano na ang kanilang pangako sa isa't isa? na 'Ikaw at Ako Peksman' .