Nang tumuntong ng labing walong taon si Euphemia ay nag desisyon syang bumalik sa lugar kung saan sya namulat at lumaki. Ang lugar kung saan sya unang nasaktan, napoot at nalumbay. Ang lugar na noo'y tinakasan nila ng kanyang ina at kapatid, ang Pilipinas. Kasama ang kanyang kapatid na si Austin ay muli nilang haharapin ang sakit na noo'y kinalimutan nila, babalikan nila ang taong gumawa at sumira sa kanila. Ngunit sa hindi malinaw na mga plano nilang mag kapatid ay doon matatagpuan ni Euphemia ang sariling umiibig kay Silas. Ang mga pangako nya sa kanyang sarili ay dapat nyang tupadin, ngunit hindi nya maaring magawa ito kung si Silas ang laman ng kanyang puso..All Rights Reserved
1 part