Mga Tula sa Ilalim ng Langit
40 parts Complete Ang aklat na ito ay koleksyon ng apatnapung tulang relihiyoso at naglalarawan ng espiritwal na karanasan ng makata at ng kaniyang ugnayan, pagmamahal at debosyon sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ay binubuo ng 2 dalit, 10 awit, 10 tanaga at 16 na soneto. Ito rin ay naglalaman ng 2 maiikling tulang may di ganap na malayang taludturan, isang uri ng tula na inimbento ng may-akda. Nilalayon ng aklat na ito ang pagtataguyod ng tradisyunal at klasikal na uri ng panulaan bilang mahalagang bahagi ng kalinangan ng lipunan at kulturang Pilipino upang sa gayon ay maparangalan ang Diyos na Siyang nagbibigay ng Espiritu ng dunong at talento sa lahat ng mga makata. Nawa'y ang mga tulang ito ay maghatid sa mga mambabasa sa pananalangin.
(PAALALA: Ang aklat na ito, Mga Tula sa Ilalim ng Langit, ay protektado ng copyright registration mula sa National Library of the Philippines (Registration No. O2018-3002). Walang anumang bahagi ng aklat na ito ang dapat kopyahin o ilimbag sa anumang uri nang walang pahintulot ng may-akda, si Lee B. Calaguan, ayon sa nasasaad sa batas. Ito ay reserbado sa lahat ng karapatan.)
Kung naibigan ninyo ang mga tula, mangyari lamang na iboto ang mga pahinang inyong nagustuhan at mag-iwan ng mga komento. Maraming salamat.
Purihin si Hesus at si Maria ngayon at kailanman!