Simple lang naman ang gusto ni Arrietty San. Walang iba kundi ang itrato siya ng normal ng mga kapwa estudyante niya at ang mahalin rin siya pabalik ni Sho Caltanra. 'Yun lang naman ang gusto niya sa buhay ngunit tila pinagkait ata ito sa kanya. Then there's an event na ayaw talagang puntahan ni Arrietty, ang Free Kiss Day. Ngunit may nagpumilit sa kanya kaya napasubo tuloy siyang pumunta sa event na iyon. Doon na kaya magsisimula ang lahat? O hanggang panaginip na lang ba lahat ang mga gusto niyang mangyari?