Si Apricot Morina ay isang 18 year-old senior high school student na may konting kahinaan: mga tsokolate. OK, it's a big, no, huge weakness. Hindi siya makagalaw kung walang KitKat sa katawan niya. Labis ang paghanga niya kay Jethro de Mariano, ang kapitbahay niyang saksakan ng pagkagwapo (at pagka-vegetarian). Makakaya kaya ni Apricot na labanan ang addiction niya para makuha ang matamis na pagtingin ni Jethro sa kanya?