[HIGHEST RANK:
#1 in Historical Fiction - April 22, 2018
#3 in Historical Fiction - November 14, 2016]
✔COMPLETED
[Currently Editing]
Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak.
Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata.
"Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog.
Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida?
Date Published: June 12, 2016
Dated Finished: April 18, 2018
Ikalawang Libro.
Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawian at kapighatian...mga bagay na siyang nagpabago sa aking buong pagkatao, dahilan upang isarado ko na nang tuluyan ang aking puso.
Ngunit paano kung may isang taong mula sa aking nakaraan ang magbalik? Kakayanin ko pa bang tanggapin siya lalo pa't noon pa man ay hindi na kami itinadhana para sa isa't-isa? Handa pa ba akong masaktang muli, bagay na kinakatakot ko?
Ako si Celestina de la Serna at muli samahan ninyo akong lumaban sa hamon ng aking buhay.
Date written: April 13, 2020
Date finished: August 5, 2020
Book cover by @MsLegion