Mapupungay na mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi na laging nakaawang. Iyan ang agad na napansin ni Elysia Salvatore kay Hunter. At noong araw na iyon, alam niyang tinamaan na siya rito. Bata pa man siya maramdaman ito, ngunit sigurado na siyang ito na 'yun. Gusto niya na siya. Hindi niya na maalis sa kanyang isipan kung paano siya sinungitan nito. Kung paano gumalaw ang kanyang labi. Nakakalasing. Iyan ang nararamdaman ni Elysia tuwing nakatingin at naririnig niyang kumakanta si Hunter. Mas lalo siyang nahumaling dito kaya gagawin niya ang lahat upang mapansin siya nito. Kahit na nahihiya siya, gagawin niya. One step at a time. Darating din tayo sa puntong iyon.