Lahat naman siguro na in love na. Abnormal ka kung hindi ka pa nafa-fall. Fictional Character man yan, artista man yan, kaibigan mo man yan, o kahit sino pa yan, kung tinamaan ka ng arrow ni Kupido, talagang maiin love ka. Ako nga, ilang beses na akong nain-love. Marami ng lalaki ang dumaan sa akin. Marami na din sumuko. Kaya ngayon, wala akong ka-forever. Ang mga kaibigan ko lang ang lagi kong kasama. Pero take note, may mga pamilya tong mga friends ko. Di tulad ko na walang lovelife. Makikita ko pa ba siya? Nasan ka na ba? Naligaw ka ba ng landas kaya hindi mo ako matagpuan?