Lihim na umiibig si Jerrance sa kapitbahay nilang si Mayeth. Pero kahit iniibig nya ito ay lagi lang nya itong inaasar at inaaway dahil ito lang ang paraan nya para maka usap at makalapit sa dalaga. Nang minsan ay umiyak si Mayeth dahil sa crush n'yang si Harold na may gusto palang iba ay nasaktan si Jerrance. Ayaw nya kasi itong masaktan ang dalagang iniirog nya at higit sa lahat ay ayaw nya itong makitang umiiyak. Sa panahon na'yun gusto nya itong lapitan at e.comfort subalit hindi nya magawa dahil alam nyang hindi sya gusto ni Mayeth at galit pa ito sa kanya. Tenext nalang ito ni Jerrance para maramdaman ng dalaga na hindi sya nag iisa. Hindi sya nag pakilala at hindi nya rin ito ipinaalam sa iba ang number nya dahil baka mabuking sya ng dalaga. Naging masaya ang pagpapalitan nila ng mensahe at nag kataong naging magkaibigan sila sa text dahil magaan ang loob ni Mayeth sa kanya. Gusto ni Mayeth na makipag kita sa kanya kaya 'don sya na alarma. Hindi nya pa kaya makipag kita sa dalaga dahil baka magalit ito sa kanya kaya naman ang pinsan nya ang pinagkita nya sa taong gusto nya. Pero habang nag kikita ang dalawa ay nasasaktan sya sa mga ito. Makakaya kaya nyang pagmasdan ang taong gusto nya sa iba ganun sila naman talaga ang para sa isa't isa at hindi ang pinsan nya? Paano kung mainlove ang pinsan sa taong mahal nya? Mapipigilan pa kaya nya ito? O magiging huli na ang lahat para sa kanila ni Mayeth?Все права защищены