"Ay!" nagulat siya, dahil nga masyado ang concentration niya sa paglalakad ay hindi niya namalayan na may sasakyan nap ala sa may likuran niya.
Pagtingin niya ay isang itim na Ford F-150 ang nasa likuran niya, heavily tinted ang lahat ng salamin nito kaya hindi maaaninag kung sino ang driver sa loob. Ngunit kahit nahindi niya Makita kung sino ang nasa driver's seat ay kilala niya kung sino ang nasa likod ng manibela. Si Mr. Asim aka Asimiro Fukuda. Yep! Japanese po siya este Filipino-Japanese. Asimiro is the greatest jerk na nakilala nya. Mayabang ito, babaero, conceited, egoistic and so full of himself! Mr. Asim ang tawag niya ditto dahil bagay ditto na maging katunog ng pangalan nito ang tamarind flavor na candy na gustong gusto niyang kainin.
Bumaba ang bintana sa may driver's side ng sasakyan at doon ay tumambad sa kanya ang guwapong mukha ng lalaki, then he beamed at her. She almost swooned when Asimiro smiled at her.
HAY HEAVEN! Sabi ng inner self niya
Shadup! Sabi naman niya sa inner self niya
Okay whateva!
"Hi Skittles! Are you imported or locally made?" he sweetly asked her.
Napangiwi siya sa loob loob niya. If she doesn't know him well, baka hindi niya napuna ang sarcasm sa sinabi nito! And to think na pinunterya nanaman nito ang pangalan niya.
Yeah!
Skittles was her name.
The very addictive imported candy from the US of A! doon kasi siya ipinaglihi ng mommy niya noong ipinagbubuntis pa lamang siya nito, kayat iyon ang ipinangaan sa kaniya ng mga magulang niya.
She smiled sweetly back at Asimiro.
Todos los derechos reservados