Hinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat realms. Pumili siya ng karapatdapat na nilalang at tinawag itong protektor, ibinahagi niya sa labingdalawang napili ang supramisia. Magmula noon, bawat henerasyon ay isinasalin na ang supramisia sa mga napiling karapatdapat. Samahan si Ram sa kaniyang paglalakbay sa mundong puno ng hiwaga at misteryo. THE REALMS