Back to the Era (On Going)
48 parts Ongoing MatureNadia Caceres is a policewoman who is dedicated in her job. Labis ang kanyang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Gagawin niya ang tungkulin na protektahan ang mga sibilyan, kasama ang kanyang kaibigan na si Gara De Leon at Shane Ambrocio. They are member of a special crime division na binuo ng gobyerno upang lutasin ang mga samo't saring krimen na lumalaganap sa bansa.
Isang kaso ng pagpatay ang hawak nina Nadia at Gara. Ang kasong gustong lutasin ang magpapabago sa buhay ni Nadia. Ang kanyang pinakamamahal na kapatid na si Divine ay naging biktima sa karumaldumal na pagpatay. Mas lalong umigting ang kagustuhan ni Nadia mahuli ang pumaslang sa kapatid at mabigyan ito ng katarungan.
Sa kanilang pag-iimbestiga matutuklasan ni Gara ang isang kaso ng pagpatay, sa taong 1889, na katulad sa murder case na nireresolba nila.
Hanggang isang gabi, nasagupa nina Nadia, Gara at Shane ang suspek sa pagpatay. Imbes na mahuli ang misteryosong kalaban. Nagising ang tatlo sa taong 1889, may ibang mukha, katawan at pamilya.
Pilit nilang aalamin ang motibo sa pagpatay, kung sino ang pumapatay? Hindi nito mahahadlang ang hustisyang ninais nina Nadia, Gara at Shane para kay Divine at sa iba pang biktima.