Nasubukan mo na bang pigilan ang feeling mo? madali lang diba?. Nope. Ito ang isa sa pinakamahirap na feeling sa lahat ng mararamdaman mo sa isang kaibigan. Alam naman nating mahal natin ang lahat ng ating kaibigan, pero iba kapag sinabi nating “In-love”. In-love, may gusto tayo sa kanila. May espesyal na pagtingin, may gustong patunguhan, gusto mong alagaan o kaya naman angkinin. pano kung iba naman ang gusto niya?