Lagi ka bang mag isa? Wala namang masama doon. Ito ang kwento ko. Nasanay na ako na ganito. Kaya lang paminsan minsan napapatanong ako sa sarili ko, "Kailan kaya kita makakasama? Mahirap palang maghintay." Sa ngayon, manunuod muna ako ng mga palabas. Sana bago maubos ang lahat ng palabas sa mundo, makasama kita. Yayain mo naman ako manuod ng mga paborito nating palabas bago kita tuluyang burahin sa puso ko at kalimutan ang lahat. Ang tagal na. Ang tagal tagal na. Nakakasawa ng maghintay sa taong hindi ko alam kung minsan ba naisip pang lumingon sa nakaraan, sa taong naisip pa ba akong balikan.All Rights Reserved
1 part