Ako nga pala si Axxe Luz Alcantara 15 taong gulang ng natauhan haha chos. Tiga melbourne st. Camp one. Isa lamang ang kapatid ko at siya si Alicia. Grade 10 student nga pala ako, ang tahimik kong buhay sa elementarya ay biglang nagbago ng tumungtong ako sa highschool sa kadahilanang nakakita ako ng babaeng hinding hindi ko na papakawalan, ngunit pano ko ba masasabing "hindi ko mapapakawalan" kung sa una palang ay hindi ko alam ang kanyang pangalan?Masaya akong nagkaroon ako ng pinsang tarandtado. Dahil sa kanya nalaman ko ang buong pangalan niya. Matagal tagal ko ding kinimkim ang damdamin ko para sa kanya. Sa wakas matapos ang 3 taon nandito na ko sa pinapangarap kong gawin, ang mahalin siya. Ako nga pala nagmamahal ng totoo sa babaeng nagngangalang Cristine Joy Louise Estacio. Marami na akong impormasyong nalaman tungkol sa kanya, at mas lalo akong napapamahal sa babaeng kalog na ito
3 parts