"BAKIT LAGI KANG MAG-ISA?"
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang nagngangalang Isa, na nagmamay-ari ng isang tala-arawang may tatlong bahagi, na dalawang dekada nang nabubuhay sa Kabaliwan ng Mundo, pakalat-kalat sa mga abandonadong bahay.
Sabay na naglaho ang Kwadernong Itim at si Isa. Ang talaarawan ang unang natagpuan. Samantala, patuloy ang paghahanap kay Isa. (Iisang tao lang ang nag-aabalang gawin ito.)
Si Hannah, isang kolehiyala, na nagdududang naliligaw daw siya ng landas, ang nakahanap sa nasabing kwaderno. Ako, bilang may-akda, ay naniniwalang ang tala-arawang ito ay naghahanap lamang ng bagong masisilungan.
Para kay Hannah, ang mundo ay kulay abuhin. Ngunit isang yugto ng buhay niya ang nagturo sa kanya na ito ay kulay bahaghari-na may karamay siya sa pagpasan nito-na hindi porke't mag-isa ay iniwanan-na maaaring kaya't nag-iisa dahil siya ang nang-iwan o lumisan-na mayroong ilang mga anghel sa lupa-na ang nakikita ng mga mata ay hindi purong katotohanan-na kung ano ang ngayon ay hindi siyang noon at magiging bukas-na ang isang karaniwang Kwadernong Itim ay magtuturo ng mga aral na hindi tinatalakay sa loob ng paaralan.
Ang nakababagot . . .
Paulit-ulit . . .
Walang-hanggang . . .
BUHAY.
Todos los derechos reservados