Masyadong naging dedicated sa kanyang trabaho at pagseserbisyo sa kanyang mga kababayan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisikap na mabigyan ng maayos, maunlad at mapayapang bayan ang kanyang nasasakupan ay madali lamang nalinlang at nabulag ng mga kasinungalingang inilahad ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Puro paninira at pagyurak sa kanyang pangalan na walang basehan o ni katiting na katotohanan. Paano sila mamumuno sa bayan kung ang umpisa ng kanilang paglilingkod sa bayan ay puro kasinungalingan? Hanggang kailan maghahari ang kasamaang ito sa kanyang bayan na binulag ng mga mapagimbot, mapagpaimbabaw at ang iniisip ay para sa pansariling interes lamang? Subaybayan ang storya ng kanyang buhay. Ang kanyang mga kabiguan at pagtatagumpay. Note: Ito po ay base sa tunay na mga pangyayari. Sinadya ko pong baguhin ang mga pangalan at lugar upang hindi makaapekto sa mga tauhan ng istorya. Salamat po. Sana ay subaybayan po ninyo ang kanilang kwento. God bless po