Pinagkakaguluhan ng lahat ng tao si Margau, kahit na hindi palangiti at parang laging galit. Isa siyang professional photographer, at galing sa isang sikat na Pamilya. Sanay si Margau na mapagbigyan ng lahat at masunod ang gusto. Paano ba't ipinanganak siyang La Torre kaya't mamumuhay siyang La Torre. Makikilala niya si Canon Saavedra, o CS, sumisikat na artista at isa ring pinagkakaguluhan. Palangiti ito at laging masaya, dahilan ng pagkairita pa lalo, kung may ilalalo pa, ni Margau sa kanya. Hiling ng babae'y hindi na sila muling magkita pa ngunit ang tadhana'y ipinaglalapit sila. Sa pagkakataong ito, masisilayan na bang muli ang ngiti ni Margau? O mawawalan na ng saya ang buhay ni CS? Sino sa kanila ang bibigay? Kaninong buhay ang magbabago?All Rights Reserved
1 part