Masarap balikan ang mga alaala nung highschool. Andiyan yung matatawa ka dahil sa mga kalokohan mo, mabi-bwisit ka dahil sa mga kapalpakan mo, at manghihinayang ka dahil madami kang gustong gawin noon pero hindi mo nagawa. May mga alaalang magpapalungkot. Meron ding magpapaiyak at magpapangiti. Hindi mawawala ang mga alaalang magpapakilig. Pero may mga alaalang sa una magpapangiti sa'yo na sa huli, magpapaluha sa'yo. At yun ang pinaka-matimbang sa lahat. Kung may power of love, meron ding power of flashback. Iyan ang papatunayan ng kwentong ito.