Ang storya na ito ay namuo dahil sa pagmo-move on ng isang tao. (Hindi ako yun, wag kayong ano.) Kung ikaw ay napadaan lang dito, nabobored, biglang nagkahilig magbasa, nagbabasa para hashtagmedyogenius, nakapukaw ng atensyon mo ang title, o kaya simpleng gusto lang magbasa, salamat dahil napadpad ka dito at patuloy mo paring binabasa ang walang kabuluhang introduction ng storyang ito.
Hindi ko na patatagalin, hindi talaga 'to para sayo. Pero kung nasasaktan ka ngayon, nagpapakatanga sa love, broken hearted, may relasyon na "parang kayo pero hindi", iniwanan ng jowa, naghahabol sa maling tao, pinaasa, iniwanan sa ere, pinaasa na iniwanan pa sa ere (kawawa ka naman,tsk.), natake-for-granted, nanlalabo na ang relasyon, nafriend-zoned, na"best"friendzoned, dineadma, binasted, nainlove sa maling tao, umaasa, nagpapakamasokista, hindi maka-move on, hindi maka let-go, at halos lahat na ng ka-echosan ng pagibig, baka sakaling magising ka sa kwentong ito.
Pero kung ikaw naman ay masaya ngayon at inlove na inlove, pwede ka ng umalis.( Biro lang!) Siyempre, alam mo namang sigurong walang forever diba? So, magbebreak din kayo. Kaya basahin mo na din to kasi once na magbreak kayo, ganyan din ang magiging sistema mo. Ayaw mo nun? In advanced! Para HashtagMoveOnAlaTaylorSwift ang peg mo. Oh siya, tama na ang mahabang mantra at magbasa nalang tayo.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.