BROKEN VIOLET HEART (completed)
7 parts Complete BLURB
Simpleng fourth year highschool student lamang si Jumilyn, na minsang pinag-agawan at nang-agaw ng pag-ibig.
Uminog sa apat na lalaki ang mundo niya.
Kapag binibiro ka nga naman ng tadhana, ano? Iyong taong gusto mo, hindi ka gusto. At ang tao namang may gusto sa iyo, hindi mo rin gusto.
Sa simula pa lamang, sarado na ang puso ni Jumilyn sa pangangatok ni Zander John. Hanggang dumating ang panahon na bumaliktad ang sitwasyon. Ang humahabol sa kanya noon, hinahabol na niya ngayon. Kaso, may iba na itong mahal.
Kung noon, pinag-aagawan siya ng magpinsan. Ngayon, pinsan niya ang kanyang karibal.
Pero salamat sa Broken Violet Heart, kahit malabo na ang lahat sa kanila, pinagbigyan pa rin siya ng tadhana na maisayaw ang lalaking pinapangarap niya kahit sa huling pagkakataon.