DI KA PASISIIL
  • Reads 905
  • Votes 15
  • Parts 3
  • Reads 905
  • Votes 15
  • Parts 3
Ongoing, First published Jun 22, 2016
Bayang magiliw, sa piling ng mga anak ng bayan.
Perlas ng silanganan na bansag sa lupa na di nagkulang sa yaman kailanman. 
Alab ng puso na sa dibdib mo'y buhay at kailanma'y di nanlamig sa bayang minamahal. 
Lupang hinirang, duyan ka ng magigiting na handang mag-alay ng buhay laban sa manlulupig. Mga bayaning kailanma'y 'di pasisiil.

Sa dagat at bundok na kinagisnan mula kapanganakan hanggang kamatayan.
Ang simoy at ang langit mong bughaw na siyang nababalot ng dugo't apoy.
Lumaya't naging dakila sa tula at awit sa bayang pinaglaban. 

Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay nga bang nagniningning? 
Mga bituin at ang araw na unti-unting nagdidilim. 
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta, buhay ay kailanma'y di naging langit sa piling mo.
Ligaya nga bang maituturing ang mamatay sa kamay ng manlulupig ng dahil sayo?

***
All Rights Reserved
Sign up to add DI KA PASISIIL to your library and receive updates
or
#4symbols
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos