Prolugue: Naniniwala ka ba sa Destiny? E sa Forever? Sa mga signs kaya? At higit sa lahat ang pagdating ng One Great True Love? Kasi ako Oo sobra kahit na kontrang kontra sa akin ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi pare-pareho kami ng mga pinagdadaanan. Lahat kami laki sa broken family kaya kami lang nagdadamayan. Ika nga sa kasabihan "the birds with the same feather make a good feather duster joke flock together pala yun" pero may pagkakaiba ako sa kanila. Naniniwala nga ako sa mga hindi nila pinaniniwalaan. Eto na nga lang kaligayahan ko eh sisirain pa nila pero di pa ri ako papatinag. Ako si Riaki Quenery at eto ang kwento ng buhay ko.