21 parts Complete Sa labis na kadesperadahan ni Red na makatakas sa kagustuhan ng Papa nya na ipakasal sya sa murang edad at sa taong hindi nya naman mahal, naganap ang isang aksidenteng nagmistulan pa yatang isang blessing in disguise dahil ang aksidenteng iyon ang naging daan upang makilala nya ang lalaking itinakda ng tadhana para sa kanya.
Ngunit paano kung ang lalaking nakatakda para sa kanya ay hindi ang lalaking nakapagpatibok ng puso nya? Maranasan nya pa kaya ang pakiramdam ng mahalin ng lalaking mahal nya? Mahabag kaya ang mapaglarong si Destiny sa kanya? Kung sakali, ano naman kayang klaseng love story ang ibigay nito sa kanya?
Bago nya tuluyang lisanin ang mundong ibabaw, mapatunayan nya pa kaya base sa sariling karanasan at masabing ang pag-ibig ay "Beyond Limitless"?