Hindi ako laging buo. Katulad ng buwan, dumaraan din ako sa iba't ibang yugto. Minsan kalahati lang ang kaya kong ibigay. Minsan isang piraso na lang ng sarili ko ang natitira. At may mga gabing pakiramdam ko, saka lang ako nagiging buo. May mga panahong kaya kong humila ng alon-makapangyarihan sa paraang hindi nakikita. May mga pagkakataong hindi ako umiilaw; I simply bleed light, hoping what's left of me is enough to brighten someone else's darkness. Minsan, mag-isa akong lumalaban sa sarili kong langit. Minsan naman, may mga bituing tahimik na sumasabay sa'kin.
More details