Highest rank #201 in Romance Matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika, napilitang umuwi si Diana sa Pilipinas. Sumakabilang buhay na kasi ang kanyang Mommy Tita. Kapatid ito ng kanyang ina at siyang nagpalaki sa kanya simula nang siya ay maulila. Hindi niya inaasahang sa kanya iiwan ang malaking bahagi ng kayamanan nito dahilan upang magalit ang iba pang kapamilya niya sa kanya. Sobrang nami-missed niya ang kanyang Mommy Tita. Ito na ang tumayong ina at pati na rin ama sa kanya simula nang mamatay mga magulang niya sa isang aksidente noong sampung taong gulang pa lamang siya. At ngayong wala na ito pakiramdam niya ay nag-iisa na lang sa mundo. Ang nagbibigay na lang sa kanya ng lakas ng loob ay ang presensya ni Cedric. Ang lalaking kinupkop at pinag-aral ng kanyang Lolo. Ito na ngayon nag-aasikaso ng negosyo ng kanyang pamilya. Ngunit bakit ba pati ito ay tila palagi ring galit sa kanya? Nagbago na ba ito? Hindi na ba ito ang dating Cedric na kakampi niya at tagapagtanggol noong bata siya? And then there's Clarissa, ang babaeng parang glue kung makadikit sa lalaki. As if naman, aagawin niya rito si Cedric. As if naman, interesado pa rin siya kay Cedric. O hindi na nga ba? Naka-get over na nga ba siya sa kanyang nag-iisang childhood crush? Rank #264 as of 01/19/18 Highest rank so far #201 as of 01/26/18
24 parts