Masakit isiping wala na ang taong pinakamamahal mo, pero mas masakip ang malamang, minahal mo siya, minahal ka niya, pero iniwan ka. Hindi ba't parang ang gulo. Pareho kayong nalulunod sa pagmamahal ng isa't-isa pero naiwan ka sa ilalim at naka ahon siya?
Masakit, hindi iyon madaling kalimutan. Hindi madaling ipagsa-walang bahala na lang. Parang wala kang matakbuhan. Patuloy kang nalulunod.....nalulunod, naghihintay ng sasagip.....sasagip sayo.......minsan naglalakas loob na umahon pero nag-aalangan ka, nagtatanung, KAYA KO NGA BA?
Minsan na akong ngmahal, at minahal ko siya ng labis. Naniwala akong siya ang taong para sa akin at makakasama ko habang-buhay. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, taon naging masaya kami sa isa't-isa. Pero nawala ang lahat sa isang iglap...
Sana balang araw ay muli kaming magkita, hindi bilang isang bigong nagmamahalan kundi isang bagong nag-iibigan. OO mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit parang sinsaksak ang puso ko habang nakangiti siya kasama ang iba, MAHAL ko pa rin siya. Kahit na gabi-gabi ay iniiyakan ko ang mga larawan naming dalawa, MAHAL ko pa rin siya...Kahit na alam kong malabong maging kami ulit, MAMAHALIN ko pa rin siya. Hindi ko maintindihan, mahirap kalimutan, nakaiiyak, nakakalungkot, ang SAKIT. ANG SAKIT SAKIT...........Tanging pagkabigo ang aking naranasan. Hindi ko alam kung hanggang kailan, hanggang kailan ko pa din masasabing, Siya na maging sa aking katapusan.Todos los derechos reservados