Lumipas ang mga gyera at ang pagkagunaw ng mundo. Ang mga luntiang kagubatan ay tila naging malawak na disyerto. Ang mga siyudad at mga gusali ay tuluyan nang nawasak. Nasadlak sa hirap ang mga tao mula sa lugar na tinatawag na 'Paraiso'. Ang pagkain ay mahirap nang mahanap, natuyo ang mga ilog at ang mga lawa, itinuring na ang kabuuan ng mundo bilang patay na alaala. Wala na halos hayop ang makikita sa lugar na ito, wala na halos nabubuhay kundi ang mga tao na naghihikahos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga tao ay umaasa na lamang sa mga piraso ng bakal bilang kanilang katulong sa kabuhayan. Ang mga piraso ng bakal na kanilang napupulot ay ginagawa nilang mga robot na may sariling pag-iisip. Ang iba ay ginagamit bilang kakaibang imbensyon na tutulong sa kanila bilang mga instrumento, higit sa lahat, sa paghahanap ng tubig. Magkakaiba man ang paniniwala at kultura ng mga tribong nabubuhay sa panahong ito, mayroon pa rin silang pinangingilagan at kinatatakutan, ang mga 'mutano'. Paalala: Ang orihinal na Resiklo ay hindi ginaya ng kwentong ito. Maaaring kinuha ang ilang pangalan ng lugar, at tao ngunit ito ay spin-off na ginawang orihinal upang mabigyan ng mas magandang bersyon. Hindi ito ang Resiklo na pelikula noon...ito ANG Resiklo: Recalibration na sarili kong bersyon.
5 parts