Prologue "Anak, tumatanda na ang Lola niyo at hiniling nya sa amin na sana ay umuwi kayo ni Kuya mo sa Pilipinas. Doon na kayo mag- aaral" mahinahon na sabi ng isang magandang babae na nasa 40's "Pero mom, paano kayo ni Daddy rito? Hindi ba pwedeng sumama nalang kayo sa amin ni kuya sa Pilipinas o di kaya'y sila Lolo't Lola nalang ang pauuwiin niyo dito sa Korea?" Sunod sunod na tanong ng dalaga. "We can't anak. Ano nalang ang mangyayari sa kompanya kung iiwan namin diba?." Sabat ng kanyang ina "At hindi rin pwedeng iwan ni Lolo niyo yung trabaho niya sa Pilipinas, lalong lalo na at----" hindi na pinatapos ng dalaga ang sinabi ng kanya ama. "That's why ayaw ko dun, kasi magulo. Mom, Dad minsan na naging magulo ang buhay ko, at ayaw ko ng maulit pa yun." Reklamo naman ng dalaga. "Alam namin yun anak kaya nagpagdesisyonan namin nila Lolo't Lola niyo na itago ang totoong KAYO."