Gulong gulo ang puso. Saan ba 'to patungo? Di ko alam. Di ko alam ang gagawin. Hinarap ko lahat ng balakid, pero bakit walang kapit ang mga pangakong binitawan? Di ko na talaga alam kung bakit. Ginawa ko na ang lahat, hindi pa din sapat kasi ika'y mawawala na. Nawalan na ata ng gana ang tadhana. Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana. Titiisin ko na kahit paulit-ulit tapos pipilitin ko na di maulit. Akala ko walang hanggan pero may dulo. Bawat segundo sa aking puso iuukit ko lahat ng alaala aking iguguhit, para makalimutan mong may dulo tayo. Ang sabi mo kasi walang hanggan, pero ito tayo ngaun sa dulo. Nanlalamig na ba ang iyong puso? Bakit ganyan? Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit. Mayroon bang nang-aakit sayo? Kailangan ko lang malinawan. Bakit ganyan? Handa akong panindigan lahat ng ating plano. Sigurado ako sayo kahit di ko kabisado. Gagawin ko ang lahat. Kung maibabalik lang sana. Ibibigay ko ang lahat paulit ulit. To be Continued...