I was a nobody for him Pinakilig. Pinaasa. Iniwan. Binalikan. Pinakilig. Pinaasa. Iniwan. "Pauulit-ulit. Nakakasawa na." Isa ka sa mga kailangan ko. Kasama ka sa barkada. Hindi kita pwedeng iwasan dahil nasa iisang grupo lang tayo. Sobrang hirap. Akala ko kaya ko na, kaya ko nang wala ka. Pero hindi pala. Simula kasi noong lumisan kang walang iniwan na rason. Yung mga panahong iniwan mo ko ng parang bula? Yung bigla kang nawala. Na tangap ko na. Tangap ko nang hindi mo ko mahal kasi iniwan mo ko. Sa lahat lahat kasi ikaw pa ang nang-iwan pero kay-aga mo namang lumisan. Wala pang "TAYO" pero nang-iwan ka agad. Pero nagbalik ka. Nagbalik ng parang walang nangyari. Nagbalik ka ng parang wala lang ako. That's the time I realized hindi ko pa pala kaya. Na hinitay lang pala kita. Hinihintay ko yung pagdating mo, yung rason mo kung bat mo ko iniwan. Hindi mo ko natiis. Binigay mo pa rin yung rason kasi hindi mo ko kayang mawala. Minamahal pa rin naman pala natin ang isa't isa. Pero nalaman kong iiwan mo pala ulit ako. Okay na kasi ulit tayo eh. We're starting it over again but I never knew that there's always an ending. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Sobrang sakit marinig nyan mula sayo. Pero, Oo nga no? Sino nga ba ako? Ano bang ginagawa ko at nandito pa ako?