PROLOGUE:
Bakit kaya may mGa LALAKEnG gustonG maGinG BABAE ?!?
Bakit kaya may mga taong pilit na itinatago ang kanilang tunay na pagkatao ?
At sa paglipas ng mga panahong nailabas na nila ang kanilang tunay na nararamdaman ay mas pinipili nilang sundin ito kahit alam nilang marami ang nasasaktan.
Marahil marami sa atin ang nagtataka kung bakit may mga lalakeng gustong maging babae, at mga babaeng gustong maging lalaki at mas kilala naten bilang GAY/LESBIAN .
At sa kwentong ito matutunghayan nyo at malalaman ang bawatpalaisipan na gumugulo sa inyong isipan.
Kung inaakala ninyong madaling mamuhay bilang isang GAy/LESBIAN pwes, sa kwentong ito malalaman ninyo kung gaano kahirap ang pamumuhay namin sa mundong inyong kinagisnan .
Hindi ko ipinapangakong makakarelate at magugustuhan ninyo ang kwento ko. pero sisiguraduhin kong magbabago ang pananaw ninyo sa pagkatao namin .