Magmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang maibigay na lunas para dito. May lunas pa nga ba para sa karamdaman ng hari? Paano kung ang natatanging lunas ay isang alamat lamang? May pag asa kayang ito ay mahanap?